SABAW SESSIONS: MATOKI

Mas Madali Huminga Pag Andyan Ang MATOKI

Nostalgia has countlessly been labelled as the key ingredient to dream-pop, but how does the power of friendship and utter passion from the DIY heartthrobs of Matoki give meaning to the music?

Written By Faye Allego

When they were just teenagers, Vladymir Estudillo, Yancy Yauder, and Emmanuel Acosta formed MATOKI originally as a three-piece band. As the roaring 2020s rose to uncertainty, they found identity through the alternative scene and beyond the confines of their bedrooms – their stylistic sound of choice? Shoegaze that is desired to  pour out  dreampop melodies that send the listener into a Sputnik-like orbit of nostalgia. The trio then decided that three could turn into six, and thus entered Ivan Casillano on drums, Kiyan Leal on tambourine/vocals, and Kendrick Tuazon on rhythmic guitar. 

Recently, a Facebook post from the page “Local Music Watch New England” circulated across my newsfeed. It says something along the lines of: “They’re not ‘just’ a local band. They’re the soundtrack to your town. Support them like they’re already famous.” 

Throughout the trajectory of their journey, MATOKI has amassed over 8,000 monthly listeners and more than 300,000 streams of their singles, “Strawberry Girl” and “The Streets,” both of which belong to their debut album, And Mend All Your Broken Bones.

Achieving these big numbers independently with no attachment to any big company or label and strictly relying on their authenticity and community within the underground music scene, the band captures the true essence of DIY through touring in and outside Metro Manila. Their live performance not only differ in stylistic choices of whatever they desire that day but they also differ in the range of venues they play whether its at your local venue in QC, Makati, performing at Marikina Heights during dinnertime, capturing the hearts of students at RTU, PUP, UP Diliman, UP Baguio or even supporting causes from ARPAK KMP, SAKA, and many more college gigs. Through their dreamy echo chambers of polyrhythmic guitars seen in tracks like “Sarado Na Ang Makiling Trail (At Wala Na Kaming Mapuntahan)”, coming-of-age anthems like “Lemon” and heightened senses of wonder in “Paotsin”, MATOKI stays loyal to their DIY manifesto. 

**This interview has been edited for clarity and brevity. 

FA: What’s it like touring outside Metro Manila (especially the Under My Skin tour), and what makes it different from performing in venues like Mow’s? 

Vlad: Sobrang kakaiba yung excitement everytime na tutugtog kami na malayo sa usual at unfamiliar sa amin. Yung thought talaga na “nasa lugar ako na ‘to dahil sa music namin”, sobrang powerful nya para sa akin. As a DIY band din gustong gusto ko palagi yung challenge, kung paano pagkakasyahin yung resources, yung pera at energy. Sa recent tour, sobrang humarap kame sa challenges financially kaya right there and then pinagusapan namin kung ano ang mangyayari. Ayun, na resolve naman. Palagi kami nagkakaroon ng lessons kung ano ang mga bagay na effective at hindi kapag touring outside Manila.

Yancy: Personally, magkakaiba kami pagdating dito eh, ako kailangan ko tipidin yung energy ko, mula sa byahe palang kailangan ko na tipirin yung energy ko, hanggang bago tumugtog. May excitement oo, pero alam kong kailangan ko limitahan yung energy. Laging may bubulong na “Oop, wag muna magkulit!” unlike sa Mow’s, mas sanay kami sa environment. Usually mga kakilala rin nakikita namin dun. Nakikita ko kase sila Vlad kaya nila mag kulit kahit wala pa kami dun sa pupuntahan eh. Tapos naiingit ako kasi di ko kaya yun. 

Ken: As a DIY Band that has to, well, do everything by ourselves, we could definitely say that it’s financially, mentally, and physically draining. We just always make the most out of our very minimal resources and just doing everything with raw, pure, and unending passion. What makes it different from performing in venues that are close to home is that it’s always an experience. It’s always a mixture of excitement, anxiety, and serenity. But it’s a good thing that anywhere we go, the support from our friends and supporters are also there.

Kiyan: Syempre excited ako parang looking forward ako sa ibang culture at eksena tyaka sa mga bagong taong makikilala. Isa pa yung pinaka favourite ko yung kulitan sa biyahe, papunta palang andami mo ng ma experience agad.

FA: Yancy, may mga panahon bang naisip mo na sana lumaki ka sa ibang lugar o panahon yung mas buhay pa ‘yung mga music subculture? 

Yancy: Madalas namin yan mapagkwentuhan dati ni Vlad eh, bago pa ata mabuo ang banda. Hindi ko lang sure sa kanya, pero ako ‘di ko talaga naiisip yung sana lumaki ako sa ibang lugar o panahon, kahit pa mostly ng pinapakinggan ko at influence na din talaga dati e galing isa ibang lugar at ibang panahon nga, I can say na iaadmire ko sila pati na din yung buhay na eksena nila noon pero never ko naisip na sana lumaki ako dun sa lugar nila or sa panahon nila. 

FA: Naapektuhan ka rin ba ng mga alaala sa paraan ng pagtugtog mo ng bass? 

Yancy: Yes, kapag nagrerecord ako ng bass sa mga tracks namin, sinisikap ko lagi ipicture yung sarili ko na andun sa setting nung kanta, or ifeel yung ineexpress nung kanta, nakakatulong yon para ma-tap ko yung ilang alaala na kung hindi man kahawig e eksaktong katulad nung gustong iexpress nung mga kanta namin, tapos ayon mula don kung ano lang din yung maramdaman ko sa mga alaala na yun isasalin ko lang din sya sa bass  

FA: When composing a song, which members think of a melody first? Do you all have to be present IRL in the writing process?

Vlad: Most of the time talaga sakin nanggagaling yung main idea ng songs, katulong ko si Kiyan madalas, then we build from there. May time na si Emman nagsusulat din ng kanta tulad nung “For Choco“, pero ngayon ayaw niya na eh. Joke lang haha. Pero usually talaga pag may naisip akong idea, kukunin ko yung gitara, tapos sabay ko bubuuin yung melody at chords. May times rin naman na magkakasama kami, tapos may mabubuo rin. Tulad nung unreleased namin na “Patiently“. Depende talaga sya sa motivation at araw kung makakabuo ng song.

FA: Emman, Paano mo nade-develop ‘yung sariling style mo sa pagtugtog? 

Emman: Siguro malaking bahagi yung mga influences pagdating sa style ko. For the past few years na-solidify sa akin bilang main inspiration yung post-rock guitars na tingin ko ay bagay sa sound ng Matoki. Pero kung sa totoo lang masasabi kong main influence rin talaga sa style ko yung mga kabanda ko lalo noong nag-uumpisa pa lang kami, noong hinahanap pa namin yung magiging sonic identity namin. Malaking bahagi ng style ko ay nabuo mula sa mga music recommendations nila. 

FA: Whenever you perform live, paano niyo nakakapa kung saan kayo mag lalagay ng improvised riffs that differ from yung original recording? 

Emman: Pagdating naman sa live performances, sa totoo lang, malayo talaga kung icocompare yung live at recorded versions ng mga kanta namin lalo na yung mga older songs. Masasabi kong magkaibang realm yung live at recorded sound namin (compare Fine Lines vs. Fine Lines (Redone)), siguro dahil totally different environment at methods yung nag-eexist pag nagrerecord kami at pag nag-jajam live (dahil nga DIY recording lang maraming limitations lalo sa drums). At siguro dahil di rin namin strictly sinusundan yung recorded version kapag nagjajam sa studio. Malaya lang kami gawin kung ano trip namin idagdag pag live.

FA: Paano niyo isinasalin o ipapahayag ang komplikadong anyo ng pag ibig sa mga layered at textured na tunog ng musika ninyo? tulad ng riff mo sa “Fine Lines”

Emman: Sa tingin ko, nagmamatch yung songwriting ni Vlad sa mga soundscapes na nagagagawa namin. In the first place, pansin ko sa ethos ng Matoki, ay ayaw niya maging complicated, simple lang, barefaced at raw. Kahit pa di naman necesarily simple per se yung mga themes ng mga kanta. Kaya nagtatranslate din yung ethos na yun syempre sa tunog ng banda, simpleng riffs na melodic; parang galing sa isang “honest young heart”. Minsan droning reverbs, atmospheric na patong-patong na guitars, malaki yung sound pero di naman siya complicated, tunog “wandering young mind”.


Tingin ko [‘yong Scrapyard ay isa] sa magiging iconic na lugar pagdating ng araw. Napaka-modest at rugged, napaka-Filipino, kaya sobrang disctinct din talaga ng mga lumalabas na mga art doon. Meron talagang characteristic ng pure passion for music and community.

-Emman Acosta


FA: Paano naging tahanan para sa Matoki ang bahay ni Vlad sa Pasig? Assuming na marami kayong nabuong mga kanta, album, ep, etc. Doon, ano mga core memories niyo while mastering mga productions niyo kina Vlad?

Yancy: Mas effective na makapag work, sabihin na natin sa isang track, para sakin, kailangan maramdaman ko muna yung cozy na pakiramdam, o makomportable doon sa space namin kela Vlad. In a sense na pwede ka abutin ng umaga. Tapos di ka pa mag aalala sa pagkain, kase mejo sentro yung location ng bahay nila eh, malapit sa mga sari-sari store sa mga talipapa ganyan. Core memory ko palagi yung mga times na mag bbreak time kami sa pag gawa, tapos kakain kami sa almusalan na malapit o kaya bibili pandesal sa umaga, tapos everytime na ganun habang kumakain pinaguusapan parin yung kanta.  

Vlad: Core memory ko talaga yung nag record kami ng “Lemon” tapos pinagkasya lang namin yung buong drumset sa kwarto ko na halos isang dipa lang yung lapad. Sobrang init nun tas shirtless kami lahat. Isang core memory din yung nilabas ko yung setup ko sa dirty kitchen namin sa likod ng bahay, kasi bumabaha sa kwarto kapag umuulan. DIY!

Kiyan: Kung may core memory ako syempre yung pinaka una pa, noong mga first time ko sumama sa kanila. Naging comforting siya sakin lalo noong mga times na hindi ako okay sa bahay tapos dito ako nagste-stay kila Vlad. Tapos gumagawa lang kami ng mga demo. Dun na rin ako natutulog. Naging core memory yun kasi dun na ako nakakapag cope.

Emman: Kakaibang space talaga yung bahay nila Vlad. ‘Di lang exclusive sa Matoki yung lugar na yon, naging iconic center rin siya ng iba’t ibang DIY artists at collectives at naging venue ng mga full band shows, film screenings pati mga educational discussions. Bilang member ng Matoki nakita ko yung evolution ng bahay nila Vlad bilang creative at community space. Dati tawag pa namin don ay Volzak studios noong kami-kami pa lang hanggang sa naging Scrapyard at Dinosaurs in my Studio nang mabuksan na siya sa mas maraming tao. Tingin ko isa yon sa magiging iconic na lugar pagdating ng araw. Napaka-modest at rugged, napaka-Filipino, kaya sobrang disctinct din talaga ng mga lumalabas na mga art doon. Meron talagang characteristic ng pure passion for music and community.


Isa ring bagay yung kapag trip na trip mo yung genre ng banda mo natural siya na lumalabas e, lumalabas lang kusa yung mga ideas minsan habang tumutugtog o kaya sa studio o kaya minsan sa pag buo ng kanta.

-Ivan Casillano


FA: Ivan, bilang drummer ng Walktrip bago ka naging bahagi ng Matoki, paano mo hinubog ang sarili mong role bilang drummer ng bagong banda? 

Ivan: Bago pa ako maging member ng matoki soundtrip ko na rin talaga sila, naalala ko unang house show kela Vlad tumatak sakin yung kantang “Strawberry Girl” na-LSS ako lalo na yung bass part ni Yancy ang ganda lang kase pakinggan tumatak yon sakin. Simula nun soundtrip ko na siya hanggang sa na iimagine ko na siya kunware ako pumapalo. Masasabi kong masaya at di naman ako ganon nahirapan mag adjust kase trip ko din talaga yung pinaggagawa namin sa Matoki, tsaka kusang lumalabas yung pagiging creative makabuo ng part ko bilang drummer sa mga song writing lalo na pag iisa kayo ng naiisip at nag kakasundo kami. Isa ring bagay yung kapag trip na trip mo yung genre ng banda mo natural siya na lumalabas e, lumalabas lang kusa yung mga ideas minsan habang tumutugtog o kaya sa studio o kaya minsan sa pag buo ng kanta.

FA: Anong mga pagbabago o adjustment ang kinailangan mong gawin sa style o mindset mo sa pagtugtog?

Ivan: Siguro ano, iniisip ko lang na wag makuntento ganon, kailangan practice lang nang practice para di rin mawala yung gigil mo kada gig tsaka maging healthy din tinatry ko talaga umiwas mag bisyo kase nakakapagod maging drummer sa totoo lang nakakahingal [laughs] 

FA: Para sa inyo, ano’ng pinaka-masaya o pinaka-fulfilling sa pagiging DIY at sa pagkakaroon ng buong kontrol sa galaw ng banda? 

Vlad: Sobrang fullfilling maging DIY band dahil sobrang genuine ng lahat ng lumalabas sa amin. Kahit sa sound mismo ng music, yung technicals, yung mixing and mastering, sobrang rough around the edges kasi kami lang gumagawa nun. It could be better, of course, pero that quality is just us being honest about what we have. Still, nag-strive parin naman mapaganda pa yung music quality-wise. Fullfilling din kapag may natatanggap kami na support, kasi I just know na genuine din yun. And we also feel more connected as a community, rather than having a definite line between artist and listener, mas bineblend yun ng DIY underground scene kasi honestly, we’re just like them, no different. Mahilig din kami sa music, at most of the time, we stand by the same issues and advocacies. Speaking of, sa pagiging DIY din, we can say what we want nang walang nag hoholdback, so we can voice out our opinions about things that matter in our society freely. 

Photo from Ian Arevalo/505

Yancy: Isa sa pinaka masaya at fulfilling para saken ay yung mismong ideya ng DIY na kayo bahala sa lahat, kung paano kalalabasan dapat ng isang track at kung ano yung gustong sabihin sa kanta na yun, walang naghhold back at syempre walang external factors na galing sa ibang tao bukod sa amin. Feel ko mas nagiging malaya at genuine kami sa ganung paraan, isa na din yung pagkakaroon ng buong kontrol nga sa galaw ng banda, sa ganong paraang mas nagiging malapit kami sa mga tagapakinig kasi kami mismo most of the time gumagawa ng paraan para mailabas sya sa streaming platforms, matugtog yung mga kanta namin sa mga gig, hanggang sa pagse-sell ng mga merch at ng mismong kanta, fulfilling sya lalo nakakatanggap kami ng suporta mula sa mga kaibigan namin sa eksena sa DIY underground. Naaalala ko dati kami kami talaga nila Emman nagbuburn ng mga CDs sa kanila, tapos kasama namin sila Yones sa pagaayos nung mga lalamanin ng CDs (tracklist, artprints, stickers) may mga times din nun na pag around Pasig lang ang order ng mga merch sila Vlad at Kiyan mismo tumatagpo sa mga nagoorder.

Kiyan: Isa sa pinaka naging core memory ko ay nung mismong ang pag produce ng mga merch namin ay isa sa naging bonding namen ng team, mula sa pag hahanap ng raw materials hawak namin CD case, CD, brand ng shirt at sa mismong pag quality control kami narin.

Ken: Fulfilling sa pakiramdam na meron kaming control sa galaw ng banda. I mean, yun rin naman yung essence ng pagiging creative. Siguro yung masayang pakiramdam na nakukuha namin dito is, yung feeling na nakikita namin nag wowork paunti-unti yung mga bagay na gusto namin na ini-envision lang na mangyare, Although madalas di yun yung ineexpect na result. Pero, at the end, we are making something happen with the help ng bawat isa. As the latest member lang ng Matoki, siguro mag didiffer ang core memory nila saken pero para saken yung Under My Skin tour. Ramdam talaga lahat ng emotion. Inside Out core memory talaga.


Nadevelop namin magkaintindihan sa mga bagay bagay, nagkakaron ng shared love sa ilang specific na approach at arrangement sa paggawa ng music.

-Yancy Yauder


FA: You started out as just three members in a band, and now you’re a six-piece, all growing together as young adults with different personalities but all sharing a love for music. How has that shift in time affected how you move as a group? 

Yancy: Nung tatlo pa lang kami, early post-pandemic hanggang early 2023 sabihin na natin na we spent time together talaga as a band most of the time, posible sya noon kasi online classes pa yung school sa amin tatlo e kagagaling lang pandemic, nagagawa naming magsama sama pa din kahit may pasok yung isa sa amin tapos asa 1st year pa lang kami nun 2nd year ganyan, nung mga time na yun din mas nagiging posible yung bonding na paggawa ng music, pagpunta kung saan saan, pagkain at pagtulog ng magkakasama sa isang kwarto.

Tapos ayun, dahil nga madalas magkakasama, nagkakaron kami ng shared thoughts or minsan kanya kanyang reflection sa mga nangyayari sa amin bilang magkakabanda, malaking tulong din yun sa creative process namin kase nadevelop namin magkaintindihan sa mga bagay bagay, nagkakaron ng shared love sa ilang specific na approach at arrangement sa paggawa ng music, isang halimbawa na lang ay yung sa creative process ng “Ayoko Ono”, lahat kami nung time na yon, gusto lang gumawa ng shoegaze track na mabigat pakinggan at taglish yung lyrics pero at the same time ay less is more yung pagkakasulat, tapos ayon na, may track na agad. Pero syempre as time goes by, bukas naman kami dun na unti unti pabalik na ulit yung “new normal” na routine ng buhay natin around early 2023 din, nagkaron na ng mga onsite na klase, nagkaron na din ng oras para sa hustle para kumita ng pera at masuportahan yung sarili at yung craft na ginagawa namin, as in dami na nagbago din lalo sa creative process dahil nagkaron na din ng limitasyon yung band time, may mga times na online na lang kami nagkakaron palitan tatlo nila Vlad at Emman, unti unti din nun nadagdagan na kami sa banda, andyan na Ivan at Kiyan, nagkaron ng mas malaking pagbabago sa banda at kung paano sya nakakapag work pa din as a group, siguro sa kasalukuyan ang pinaka naging itsura nya ay ganito, madalas mas si Vlad na lang ang nagsusulat at naglalapat ng guitars tapos minsan din share sila ni Kiyan sa isang track, medyo naging limitado na yung makapag input ako or si Emman sa songwriting process, bihira na din mabuo pag may recording, recently si Ken pinaka bagong member namin sya na katulong din ni Vlad sa pag iinput ng ilang guitar parts sa ilang tracks na ginagawa namin ngayon as a band.

FA: Do you ever fear yung mismong oras na lumilipas? 

Yancy: Oo siguro, may fear sakin sa bawat araw eh– na pano kung lumipas lang ulit tong araw na to na wala ako masyadong nagawa para sa mga bagay na gusto kong ginagawa at gusto kong maging hahahah, may fear oo, kasi lagi pa nga din akong may baon na pang soothe sa sarili na “ayos lang yun kailangan lang din natin huminga sa oras na to para sa mga susunod na araw mas kayang higitan yung dati”

FA: Kiyan, ang creativity, skill siya na kailangan talagang alagaan kasi once mawala siya, mahirap na siyang balikan. Sabi mo nga, ang dami mong nakikilala at nakakasama tuwing may tour. Paano ka nananatiling inspired sa creative side mo, lalo na’t ang dami mong roles in and outside of the band?

Kiyan: Sa totoo lang, may mga oras paden ng burn out, hirap ako sa pag handle ng creative side ko at madalas na uuwi ako sa pag self isolate, pero everytime naman makikita ko yung needs at struggles ng banda at mga kabanda, onti-onti kong nahihila yung sarili ko pabalik, sa simpleng pag tulong lang kase kagaya ng pag ayos ko sa gitara ng mga kabanda nakakaramdam na ulet ako ng spark kase alam kong nakakapag express ako ng art ko sa ganong paraan. 

FA: Pati din mga fashion style ninyo, parang pwede na ata kayo mag karon ng cover sa Oz Magazine nung 70s era eh… do you pay attention to certain fashion identities dito sa eksena?

Kiyan: Wow, sa totoo lang, diko alam eh. Madalas naman kung ano lang yung masuot namin, saaken non dati basta black tapos nag evolve sa “ay gusto ko to kasi cute” sa simpleng uniqueness ng isang damit na appreciate naman na namen, floral patterns, zipper sa kung saan mang parte, skulls, cute na skulls, kulay purple. 


When i first started trying music i always had this inner thought na better gear equals better music, although i know deep inside na hindi naman, i always strive to get better gear imbes na mag start ako gumawa ng mga kanta. When i saw the process of Matoki face to face naging malaking sampal saken na they were able to create something from nothing na parang big bang.

-Kendrick Tuazon


FA: Kung may masasabi kayo sa mga sarili niyo noon, ngayon, at sa hinaharap tungkol sa takbo ng career niyo, what would you say to them?

Vlad: Masasabi ko sa sarili ko dati, “Wag mo masyado ipressure yung sarili mo sa mga bagay bagay. Take it easy, okay naman dito. Saka mag practice ka mag mix araw araw.” Sa ngayon, di ko alam eh. Sa future self ko naman, “Wag mo kakalimutan kung bakit ka gumagawa ng music.”

Yancy: Sasabihin ko sa noon na ako, “Tama yan, pinili mo yung mas gusto mo kesa sa tingin mo na mas dapat gawin ng mga kaedaran mo dati.” Sa ngayon naman, “galingan mo lang palagi, YG!”. Sa future na ako, “Kahit ano mangyare, proud sayo yung batang ikaw.”

Ken: Sa sarili namin noon, masasabe ko lang na marami kayong regrets ngayon pero alam kong sinubukan yan i-handle ng mabuti ng kayo ngayon. Sa sarili namin ngayon, kailangan natin kayanin para sa hinaharap natin. At siguro “kamusta?” nalang sa hinaharap namin. 

Kiyan: Yung sasabihin ko sa noon na ako, alam ko sobrang nakakaligaw diyan, wag mong kwestyunin din yung pinili mong landas kase lagi mo namang trinatry na umokay yung kalagayan mo. Sa ngayon naman na ako enjoyin mo pa yung proseso at wag kang mag sawang tumuklas ng bago kase lagi kapaden nag tatry. Sa future na ako sana hindi kapa pagod mag explore at gumugusto ka paden subukin ang limits mo.

FA: Ken, Sabi ni Vlad dati na ikaw yung missing piece ng Matoki, bilang pinaka-bagong miyembro, ano ang mga inspirasyon (or emosyon) ang tumama sayo habang pinapanood mong gumagawa or tumutugtog mga kaband member mo/ paano mo naramdaman na parte ka na talaga ng grupo? Narereflect ba yun sa mismong rhythmic style whenever you’re performing with them live? 

Ken: Sobrang laki na inspiration ng Matoki sa paggawa ko ng kanta, na kahit miyembro na ko neto masasabi ko na big fan ako ng Matoki. when i first started trying music i always had this inner thought na better gear equals better music, although i know deep inside na hindi naman, i always strive to get better gear imbes na mag start ako gumawa ng mga kanta. When i saw the process of Matoki face to face naging malaking sampal saken na they were able to create something from nothing na parang big bang. Dun sa sinabi ni vlad na missing piece ako sa banda, I think the same applies to them for me, sila yung push na hinahanap ng utak at katawan ko sa paglikha. binago ko yung playing style ko to blend in (which i enjoy). Pero naramdaman ko lang na naging part ako ng banda nung pinaramdam nila saken na nahihirapan sila na maging kabanda ako. but thats for another story 🙂

FA: Do you find any pressure or freedom in being seen as a “Heartthrob” or figure in the scene? Does it affect your musicianship, if at all?

Ken: HUWAAAAT MAY GANUNN…buong Matoki heartthrob, boi… Ang nakakaapekto lang sa musicianship ko ay ang hindi pag practice 💔🥀

FA: Vlad, paano mo pinagkaiba kung alin ang dapat gawing kanta at alin ang mas bagay manatiling personal na tula?

Vlad: May something sa mga sinusulat ko na bigla nalang mag cclick e, may bulong sakin minsan na gawing kanta ang mga random na sinusulat ko, ganyan nagsimula ang ilang kanta namin, example nun yung Ohana. Yung kantang yun, tula siya, nasulat ko siya sa notes app ko, tapos naalala ko lang siya nung patulog na kami sa bahay ni Emman after mag record ng isang kanta. Nirecord ko yun habang tulog sila. Ganun na rin yung sa ending part ng “…Makiling Trail”. I’ll say na walang pinagkakaiba ang mga tulang sinusulat ko sa mga kanta, parehas sila ng pinanggagalingan at most of the time, pareho ding di nagrrhyme. Pero kung meron man, siguro if it’s simpler or more brief to fit into a melody, or recite into rhythm, I guess it’s a song. Minsan di rin sa tula nagsisimula e, sa mga simpleng kataga lang, katulad nung sa kanta naming “Malimit”, ang coda na “Nandito lang ako, sorry kung malimit maglaho” that just started out as that phrase and we developed it into a song. For me, poems and songs take the same route, but of course writing a song needs to have that musical charm to it.

FA: Sino ang songwriting Jesus mo?

Vlad: Marami akong tinuturing na messiah ng songwriting spirit ko, honestly it varies from time to time, like asking me my favorite bands, I’ll say it’s complicated. But if I could answer specifically right now I’ll probably say Sam Ray of Starry Cat and specifically on the Julia Brown project. I liked how they say simple things and turn them into songs. I always say it’s the simplest things that hit the hardest, the most mundane things most interesting. Runners up that come to mind are the various, mostly local pinoy artists who were the reasons I cherish my soundcloud account, one of them being my favorite Heavenly Nobody. 


Tingin ko ang pagmamahal ay tungkol sa connections that we make with different people kahit na fundamentally we are all different beings. When we find something that we bond with together. It’s like they’re filling empty puzzle pieces you didn’t know you had until you feel it.

-Vladymir John


FA: What can you say about your songwriting or instrumental muses? Do they bring the music to you, or do you express your love to them through music? 

Yancy: Kapag inilalaban mo parin na maglabas ng something or magexpress gamit music, diba parang nag pe-payback ka narin sa mga taong naniniwala sa ginagawa niyo at syempre sa sarili mo na din na dapat unang maniwala na posible yung mga bagay?

Kiyan: contradiction sya para sa akin. Minsan kahit sa pag express ko ng thoughts ko, ang naiisip ko agad eh kung maiintindihan ba to ng makakabasa? tapos nag lilinger lang yung thought na yon saakin, kahit mag express ako ng para sasarile ko, feel ko may manifestation nadon ang pag isip ko sa ibang tao.

Ken: Siguro both. Sometimes, sila nag bibigay ng inspiration for us to create something out of what we think of them, and vice versa. We sometimes express our love for them through music. Though, di naman siya nag rerevolve sa significant other lang. It could be our friends, the music scene, yung crush mo nung highschool, sa aso mo, sa mapang aping estado, kahit hanggang sa paborito mong inumin. The good thing about songwriting muses is never yan mawawala. 

FA: With that being said, ang pagmamahal ba ay mas tungkol sa koneksyon sa ibang tao o sa pagiging mag-isa/solitude?

Vlad: Primarily, kapag nagsusulat ako, it’s also my way of letting my thoughts flow out of my head. Lalo na kapag overwhelming. Swerte lang rin ako na naeentertain ng bandmates ko yung thoughts ko kahit ang corny minsan. Tingin ko ang pagmamahal ay tungkol sa connections that we make with different people kahit na fundamentally we are all different beings. When we find something that we bond with together. It’s like they’re filling empty puzzle pieces you didn’t know you had until you feel it. 

FA: Kaya bang ipahayag nang buo ang pagmamahal sa pamamagitan ng musika, o palaging may kulang pa rin sa mga salita at tunog? 

Yancy: Hindi fully talaga masasabi na maeexpress mo sa salita at tunog yung pagmamahal, palaging may kulang sa mga salita at tunog oo, pero isa sya sa mga paraan para masabi mo in the most simplest way yung “mahal kita”, pero ayun hindi pa din sya dun natatapos lang, hindi sya buo ibig sabihin, palaging kasama pa din yung mararamdaman at masasabi ng nakikinig.

Vlad: Feeling ko sa pag gawa namin ng music, attempt lang yun sa pag express at pag decode ng mga bagay na mahirap ilagay into words. Or, attempt siya to say something in a limited canvas, or the runtime of a song. It will never be enough to express the love I feel for the people I write about, but it’s worth every word I give. Also, it’s like saying, “I love you so much that this came out of it.” Naniniwala rin akong hindi lang sa lyrics ma coconvey ang ibig mo sabihin sa isang kanta. It’s the reason kaya major ang influence sa amin ng Post-Rock at Shoegaze. Most of the time, nag sstick kami sa [mantra na] less is more. It also feels very intimate. Lagi ko sinasabi sa kanila na fan ako ng pagtranslate ng “mahal kita” in the simplest ways. That’s how we always try to write music. 

Ken: Oo! palagi. Words aren’t enough, that’s why we made it into a song. If it still isnt enough, isasabuhay namin yang kanta nayan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.